Hinamon ako ni Ginoong Victor Basa na sumulat sa wikang Filipino. Ang maimumungkahi ko lang ay huwag niya akong hahamunin dahil sadyang papatulan ko ito. Marahil nagulat kayo na nagsulat ako sa wikang Filipino. Ito ang kaunaunahang kong pagkakataong magsulat sa sarili kong wika rito.
Narito ang ilang katanungang nais kong makahanap ng kasagutan. Matagal na panahon din ang iginugol ko upang maarok ng aking pag-isip ang mga tanong na ito. Paminsan nga'y nalulugmok ako dahil hindi maabot ng aking ulirat ang ilan sa mga katanungang ito.
Bakit kaya may mga taong ang iniisip lang ay ang kapakanan nila. Hindi nila iniisip ang kapakanan ng ibang tao?Bakit kaya may mga taong ang laging paksa ng usapan ay ang buhay ng iba?Bakit kaya may mga taong nabubuhay dahil sa buhay ng iba?Bakit kaya pa iba-iba ang panahon ngayon?Bakit kaya may mga taong akala mo kaibigan mo yun pala hindi?Bakit kaya may mga taong kapag kaharap ka mabait sayo, pero tinitira ka ng talikuran?Bakit kaya may mga taong kapag nagsalita akala mo sila ang diyos?Bakit kaya wala ako sa mood ngayon?Bakit kaya may mga taong utos lang ng utos, pero di mo sila mautusan?Bakit kaya may mga taong salita na lang ng salita. Hindi iniisip kung nakakasakit na sila ng damdamin ng iba?Bakit kaya may mga taong walang pakialam sa nangyayari sa paligid?Bakit kaya may mga taong ang daling resolbahin ang problema ng iba, pero sariling problema di magawang solusyunan?Bakit kaya may mga taong akala mo laging maraming ginagawa, pero wala naman?Bakit kaya may mga taong tinulungan mo na, ginagago ka pa?Bakit kaya may mga taong mahal mo pero ayaw sayo, di mo naman mahal pero me gusto sayo?Bakit kaya may mahirap at mayaman. Bakit di nalang puro mahirap o puro mayaman?Bakit kaya kapag sobrang ganda mo pewede kang artista, kapag sobrang pangit mo pewede ka ring artista? Bakit kapag simple lang ang gando mo o hindi ka gaanong pangit hindi ka pwedeng artista?Bakit kaya may mga taong mahilig kumanta kahit wala sa tono?Bakit kaya may mga taong ayaw na pinakikialaman sila?Bakit kaya may mga taong ang gusto lagi silang bida?Bakit kaya maraming tanong kung bakit?Bakit kaya? Bakit nga kaya?Ah ewan ko basta ako di ko alam kung bakit. Kasi yang mga bagay na yan na walang kabagay bagay ay di dapat ibagay sa mga bagay na may bagay. Sapagkat ang mga bagay na may bagay ay di mo pwedeng ibagay sa mga bagay na walang kabagay bagay. Dahil magkaiba ang mga bagay na walang kabagay bagay sa mga bagay na may bagay.
That was great! hehe! I guess I won this challenge huh?
Sandali lamang may pahabol pa ako.
Umubo ka, aking Bayan; buong lakas mong iuboang malapot na plema ng lipunan mong hidwa:ang bandilang sagisag mo'y hindi mo daw bandila;pati makulay na wika mo'y hindi mo daw wika;ilang beses kang pinangakuang bibigyan ng laya,subalit ang mga "bayani" mo'y di gustong maging payapa.Umubo ka, habang sila ay palalong nakikibaka,sa libingan ng sistema, mga "Mesiyas" ay may libangan;katulad mo ay si Rizal, ginamit ang pangalan;katulad mo ay si Ibarra, nahahati ang diwa;may lakas na magtanggol laban sa tapang ng sariling kababayan,tumataghoy, kung pinapaslang ang mga "mararapat";di tumatangis, kung yumao ang mga di-tapat!Iubo mo ang tuberkolosis ng sambayanang hatiikaw ang naghihirap, sila'y magtuturo't maninisi;ang lahat mong kayamana'y pinag-aagawa't inaangkin;ang lahat mong kalayaa'y iba-iba ang umaari;masdan mo ang iyong sining, walang puwang sa rikit,minamasdan ka ng mga "bayani" bilang api at pangit!Umubo ka kung ang baga mo'y di kaya ang kanilang bisyo,kung ang araw sa langit mo ay laging nagbabaga sa hapon,kung ang alon sa dagat mo'y parating dumadagundong,kung ang bulkan sa dibdib mo ay madalas umuungol,kung ang mga mamamayan mo'y sa dahas hayok,umubo ka nang umubo't nasasayang ang laya mo.May araw ding ang ubo mo'y lalala, matutuyo,may araw ding di na plema sa baga mong hingaloang idadahak, kundi dugo, dugo na ang isusukaisusuka nang isusuka ng sistema mong puno na ng dalita;hanggang sa ikaw ay mananahimik, mapapayapaat ang nilagot na tanikala'y iyong mapapag-isa.